Home » » ‘G2B Army Color Fun Run’ matagumpay na natapos kanina

‘G2B Army Color Fun Run’ matagumpay na natapos kanina

Written By Unknown on Sunday, September 1, 2013 | 4:33 PM

Bilang pasasalamat ng management ng ABS-CBN sa buong pusong pagsuporta sa pagbabalik teleserye ng dalawang idol ng teleserye na sina Teen King Daniel Padilla at Teen Queen Kathryn Bernardo, naglunsad ang Got To Believe family ng isang activity ng lalahukan ng mga taga-suporta.

Ang activity na ito ay tinawag na ‘G2B Army Color Fun Run’ na kung saan nilahukan ng libu-libong rehistradong G2B Army na binubuo ng libu-libong kabataan at matatanda. Kamakailan lang inaasahang mangyayari sana ang nasabing activity noong August 25 ngunit dahil sa masamang panahon iniurong ang activity na ito ngayon Linggo (September 1) na gaganapin sa Aseana Business Park in Paranaque City.

At kanina nga natuloy na ang ‘G2B Army Color Fun Run’ na pinangunahan ng dalawang Teen idols na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Natapos nga ito ng matagumpay at masaya. Maliban sa dalawang idols sumuporta rin ang ibang cast ng Got To Believe at ibang showbiz and non-showbiz friends ng dalawa. Kabilang dito sina Miles Ocampo, Robi Domingo (bilang host ng event), Dominic Roque, Young Chichay and Joaquin ng teleserye at marami pang iba.



Isang napakasayang pagtitipon ang nangyari ngayong umaga (7PM) na kung saan nilahukan ng maraming taga-suporta ng dalawang Teen Idols para sa kanilang kasisimula palang na teleserye na 'Got To Believe' #G2B. Ito ang unang event na nilunsad ng Got To Believe para sa mga taga-suporta. Ngunit hindi pa ito ang una ta huling event na gaganapin, kaya paka-abangan ang susunod ng event para sa mga G2B Army.






SEE MORE PHOTOS: Got To Believe Color Fun Run

Gayunpaman, palaging suportahan ang Got To Believe pagkatapos ng Juan Dela Cruz.

For more exclusive updates, photos, or videos, log on to www.got2believe.abs-cbn.com and visit the show’s official social media accounts at www.facebook.com/G2B, and www.twitter.com/G2BGottobelieve.


Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. YTV Upright News - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger