Home » , » Kris Aquino meets Ryzza Mae Dizon w/ Bimby on Kris TV

Kris Aquino meets Ryzza Mae Dizon w/ Bimby on Kris TV

Written By Unknown on Monday, September 2, 2013 | 10:57 AM

Kasabay nang unang araw ng taping ng "My Little Bossing" ang isa sa mga official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival, nagkaroon rin ng pagkakataon ang Kris TV na maimbitahan si Ryzza Mae Dizon na mag-guest sa show kasama ang buong cast ng nasabing film sa mismong location ng taping.

Gayunpaman, una nang ipinalabas kanina (September 2, 2013) ang episode kaugnay sa guesting ni Ryzza Mae Dizon sa Kris TV. Sa pagkakataong ito kasama niya ang sinasabing magiging leading man niya sa movie na si Bimby.



Isang masayang episode ang naganap sa mismong location ng taping nila sa nasabing movie. Isang galak na galak na Queen of All Media Ms Kris Aquino ang nakasama ni Ryzza sa show. Syempre, hindi mawawala ang pagsayaw ni Ryzza ng kanyang hit na version na "Cha-cha" kasama mismo si Bimby. Gayunpaman, kitang-kita ang pagiging inosente at pagiging totoo ni Aling Maliit sa episode na iyon.Sadyang may kakaibang charisma talaga itong si Aling Maliit na talagang hindi matatawaran.




Ngunit maliban sa mismong guesting ng mga bida ng "My Little Bossing" na sina Ryzza at Bimby, magkakaroon rin ng pagkakataon na makasama rin ang ibang cast ng movie kagaya nila Bossing Vic Sotto at Aiza Seguerra na ipapalabas bukas ang episode.


Sa episode na ito kasama si Bossing makikta rito ang kaba mismo nila sa magiging outcome ng movie sapagkat ngayon palang magkakasama ang dalawang bata sa isang movie. Ngunit malaki ang tiwala nila sa mga bata dahil dito sa movie na ito ang focus ay ang dalawang bata sapagkat sila ang bida mismo sa nasabing pelikula.

Una na nating nakita si Ryzza sa big screen nitong nakaraang taon sa 'Si Agimat,si Enteng Kabisote at si Ako' na naging isa rin sa official entry sa 2012 MMFF.

Samatala, ito ang unang pagkakataon na bumida si Bimby sa isang pelikula na entry pa mismo sa MMFF.

Kagaya ng nailathala ko nagsimula na nga ang taping ng nasabing pelikula at mahaba-haba ang pagsasama ng buong cast para mabuo ang pelikulang 'My Little Bossing'.  Mapapanuod niyo ito sa sinehan ngayong Pasko (December 25,2013) ABANGAN!!!..

Panaurin si Ryzza sa kanyang sariling morning talk show tuwing Lunes hanggang Biyernes 11AM at sa  Eat Bulaga 12PM. At tuwing sabado makikita siya sa Vampire Ang Daddy Ko pagkatapos ng Kap's Amazing Stories.


During the Photo Shoot (My Little Bossing) MMFF 2013

Queen of All Media Kris Aquino interviews the cutest love team of 'My Little Bossing' Ryzza Mae and Bimby.



Here are the videos: 






Philippine Current Gossip
Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. YTV Upright News - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger