Latest Post

ASAP’s 19th Anniversary Celebration to be led by KathNiel and KimXi with Popstar Princess Sarah

Written By Unknown on Saturday, February 15, 2014 | 8:08 PM

This Sunday (Feb. 16), “ASAP 19” will be celebrating their 19th anniversary and continue their record-breaking streak of being the country’s longest running and most award winning musical variety show.

The celebration calls on the blockbuster love team couples of KathNiel (Kathryn Bernardo andDaniel Padilla) and KimXi (Kim Chiu and Xian Lim) along with world-class performances and surprises!

Since Valentine’s Day has come and gone with hearts and love, ASAP 19 will be filling up thestage with romance as well with the special Valentine serenade from the heartthrobs Enrique Gil, Xian Lim, Daniel Padilla, and Enchong Dee.

When it comes to ‘world-class performances’ who else better fits that description other than ourPopstar Royalty, Sarah Geronimo as she will gather with the Kapamilya stars as well with a glamorous and amazing performance featuring her song and dance skills.

Don’t miss out on the special day of “Honesto” star and birthday girlChristine Reyes will go back to back with lead actress of “Galema”, Andi Eigenmann with hot and fierce production numbers.
Also get ready for beautiful music during Concert Sessions with Yeng Constantino, Richard Poon, Rex Smithand Juris.

Bringing more musical spectacle to the stage will be the top-notch voices of Jed Madela, ZsaZsa Padilla, Carla Guevarra, Cocoy Laurel, Vina Morales, Michael Williams, Martin Nievera, Menchu Lauchengco, Erik Santos, Isay Alvarez, Nikki Gil and Robert Sena and then rock along with Jovit Baldivino, Morisette Amon, Tuti Caringal, Arnel Pineda, Angeline Quintoand Klarisee De Guzman. Also jam out with Paolo Onessa, KZ Tandingan, Paolo Valencianoand Zia Quizon.

Also part of the celebration of milestones will be another Supahdance milestone with dance numbers that were prepared and will be presented by Iya Villania, Sam Concepcion, John Prats, Ella Cruz, Rayver Cruz, Enchong Dee, Bugoy Drilon, Kim Chiu, Julia Barretto, Miles Ocampo, Alexa Ilacad, Empress, Maja Salvador, Jane Oineza and Andrea Brillantes along with the Gimme 5 of Nash Aguas, Henry Arquiza, John Bermundo, Grae Fernandez andLucas Reyes.

Don’t miss out on one of the biggest celebrations on television as “ASAP 19” celebrates their 19thanniversary this Sunday, February 16 at 12:15nn on ABS-CBN!

Isa na namang Asianovela ang ihahandog ng GMA, ang Tale of Arang ngayong Linggo

Written By Unknown on Tuesday, January 21, 2014 | 7:46 PM


Isa na namang Asianovela ang ihahandog ng GMA, ang Tale of Arang na pangungunahan nina Shin Min-ah, Lee Jun-ki, at Yeon Woo-jin. Iikot ang istorya kay Arang (Shin Min-ah), ang isang multo na nais makilala ang sarili at malaman ang dahilan ng pagkamatay niya. Makikilala niya si Eun Oh (Lee Jun-ki), isang young magistrate na may kakayahang makipag-usap sa mga multo. Tutulungan niyang sagutin ang mga tanong ni Arang tungkol sa kanyang pagkamatay. Pero habang ginagawa niya ito, mararamdaman niyang may pag-ibig na mabubuo sa kanilang dalawa. 

Tuluyan bang magkakaroon ng pag-ibig sa pagitan nina Arang at Eun oh? Puwede bang umibig ang isang tao sa isang multo? 

Alamin ang mga sagot sa mga tanong na iyan sa pamamagitan ng pagsubaybay sa pinakabagong GMA Afternoon Prime simula ngayong linggo, pagkatapos ng Eat Bulaga. Patuloy na subaybayan ang Villa Quintana at Magkano Ba Ang Pag-ibig?. 

Abangan naman ang bagong shows na The Borrowed Wife at Tale of Arang. 

The Borrowed Wife, ang bagong soap na pagbibidahan nina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad


Kahapon nagsisimula ang The Borrowed Wife, ang bagong soap na pagbibidahan nina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad. Sa istorya, pagtataksilan ni Rico (Rafael) ang asawang si Maricar. At dahil sa sama ng loob ni Maricar, magpapakalayo siya at mapapadpad sa isang resort kung saan niya makikilala si Earl (TJ Trinidad). Aangkinin siya ni Earl at hindi niya siya papaalisin. Lalo pang hindi makakaalis si Maricar dahil magkakaroon ng sunog sa resort na ikakasunog ng kanyang mukha at magdudulot din sa kanya ng amnesia. Papalitan ni Earl ang mukha ni Maricar, papangalanan siyang Sophia, at magpapakilala bilang kanyang asawa. 

Kailan kaya magigising sa katotohanan si Maricar? Mabawi kaya muli ni Rico si Maricar kay Earl?


An open letter of Lourd de Veyra addressed to Vic Sotto

Written By Unknown on Tuesday, January 7, 2014 | 3:15 PM

Lourd de Veyra posted the Open Letter to Vic Sotto on Spot.Ph last Jan 3, 2014. 

Dear Bossing Vic Sotto,

Una sa lahat, happy new year.

Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat—kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas. Naka-uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready… Aim… Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung ’80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma’am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc.

Joke lang. Sinusubukan ko lang i-justify. Pero sa totoo lang, ika nga, silliness is its own joyful justification. Gusto ko lang ipakita lang na hindi ako high-brow snob na nanggagaling sa kawalan (Alam mo yung mga tipong manonood ng Bresson o Godard para aliwin ang sarili?).

Sabihin na lang natin na kayong tatlo ang Gomburza ng komedya para sa aming henerasyon. Kung ano man ako ngayon bilang tao at manlilikha, siguradong may bahid ng inyong impluwensiya. Nakatatak sa kamalayan namin ang mga eksena, ang mga “acheche!”

Sumusulat ako dahil film fest na naman.

As usual, ikaw na naman ang topgrosser. May special effects at mga engka-engkanto man o wala. Ang tindi lang talaga ng pulso mo sa bata, kaya naman ikaw ang consistent topgrosser. Bagong record daw: P50.4 million?

Pero kapapanood ko lang nung My Little Bossings. May problema ako eh. Malaki.

Saan ba tayo magsisimula?

Sabihin na lang natin na hindi ako ang audience ng My Little Bossings. At tama nga—paglabas ko ng sinehan, puro mga chikiting ang nakapila. Obvious naman kung anong demographic ang puntirya nito. Alam ko ang unang depensa niyo ng mga producers: hindi ako ang audience niyo. “Eh di huwag ka na lang manood.”

Pero huwag naman ganun, Bossing.

Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin.

Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY (“Puwede na ’yan.”)

Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro.

Hindi kami nagbayad ng P220 para lunukin ang storyline na may babaeng willing magbayad ng P20 million para patirahin anak sa bahay ng accountant niyang hindi naman niya ka-close. Mahirap lunukin ang kuwento na may babaeng milyonara at edukada na magpapadala sa banta ng salbaheng kapatid na isisiwalat raw sa media na siya (Kris) ang mastermind ng pyramiding scam (Nalito ka ba? Ako rin eh).

Mabuti na lang at nandun ka, bossing. Nandun din si Ryzza. At higit sa lahat, nandun si Aiza na ako’y hindi natatakot na ideklara bilang isa sa mga pinakamahuhusay na artista ngayon.

Kulang sa exposure yung batang babaeng mataba. Ang ganung level ng pagka-cute, dapat nasa kanya ang 90% ng camera. Yung batang lalaki naman… Ano ba… sana magaling magbasketbol paglaki niya (Saka kung gusto niyang mag-artista sa Pilipinas, mag-aral siya ng Tagalog).

Pero bossing, maiba tayo: hanggang ganito na lang ba?

Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing “Pinaghirapan namin ito,” dahil maglolokohan lang tayo.

’Wag niyo ring sabihing, “Ano bang problema mo? Eh masaya naman sila.” Please naman.

Take note: hindi nanood ang mga tao ng My Little Bossings dahil tingin nila’y maganda ang plot at storyline—wala naman ito sa mga trailer eh, hindi pinakita. Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo ay PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula.

Sa totoo lang, ang huling pelikula mong pinanood ko sa sinehan mismo habangfilm fest ay Iskul Bukol: The Reunion. Bilang miyembro ng henerasyon na lumaki sa Iskul Bukol, sabihin na lang natin na ako’y disappointed—dahil kalahati ng pelikula ay nauwi pa rin sa mala-Enteng Kabisote na habulan, barilan, at pakikipagdigma sa mga pantastikong nilalang (Ang saving grace lamang ng pelikula ay ang linya ni Joey de Leon na “I want to be an eskimo/ Es, es, / Ki-…”).

Bossing, heto lang talaga ang gusto kong sabihin. Ngayon ikaw ay nasa maimpluwensiyal at makapangyarihang posisyon. Kaya mong gumawa ng mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng indie film na may mga tauhan na nakakatitig lang ng isang oras sa kawalan. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang tatlong tao lang ang nakakaintindi, yung tipong masusuka ka sa lalim. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang pang-Cannes. Pero wala namang masama dun, ’di ba? Buti pa nga si ER Ejercito eh, nagte-take ng risks sa mga pino-produce na proyekto (Ampangit lang ng mga poster; siya raw kasi mismo ang nagde-design porke’t VisCom grad daw ng UP Fine Arts).

Hindi ka na rin bumabata. Panahon nang gumawa ka ng pelikulang puwede mong ipagmalaki sa lahat—mula sa iyong mga magiging apo hanggang sa mga “supladong” kritiko. Minsan kasi may punto rin sila.

At least si Dolphy, merong Tatay Kong Nanay. Ang problema, bossing, mukhang wala sa filmography mo—mula sa Good Morning, Titser hanggang sa Enteng ng Ina Mo— ang puwedeng mapabilang sa tinatawag na “canon” ng Pinoy cinema. Kahit isa lang? And don’t even think about remaking Tatay Kong Nanay—that would be sacrilege. Please.

Tingin ko’y posible naman ito. Nasa posisyon ka na kumuha ng mahuhusay na manunulat at director na kayang magbalanse ng komersiyal na elemento at ng tinatawag na diskurso sa kondisyong mortal. Kunwari, sa bawat tatlo o apat na fantasy- o romance-comedy, ano ba naman ang lumikha ng isang komedya na tatalakay sa isang isyu ng lipunan, isang pelikulang kikiliti rin sa kanilang mga puso? Kikiliti na parang hindi “cheap” at parang hindi masyadong pinag-isipan.

You’ve always understood your strength as an actor: for the past several decades, mapa-Enteng man o partner ni Dolphy, you’ve always played the same character. At alam mong click ito—at mukhang ito ang nagugustuhan sa iyo ng Filipino audience, dahil honest ka lagi sa iyong karakter. Pero what if: kunin mo ang prototypical Vic Sotto role at ilagay sa isang sitwasyon na sumasalamin sa kondisyon ng mas nakakarami nating kababayan? Imbes na mga multo at lamanglupa ang humahabol sa iyo, bakit hindi mga abusadong pulis, mga mapang-aping panginoong may-lupa? O kaya’y mga pork barrel scammers. Puwede namang magpatawa pa rin habang nagtataas ng antas ng kalidad ng paggawa ng pelikula. At hindi na nito kailangan ng mga mamahaling special effects. Kayang kaya niyo ’yan—we only have to look at Eat Bulaga’s Lenten specials. May kurot talaga sa damdamin.

Bossing, kahit wala ka sa politika, ikaw ay kasama sa iilan sa industriya na may pagkakataong baguhin ang kamalayan at panlasa ng mga manonood—kahit pa-konti-konti lang.

Sana’y pag-isipan mo ang posterity. Tandaan: iba ang paghusga ng sining at kasaysayan. Twenty years from now, wala nang makakaalala ng My Little Bossings, kahit kumita ito ng lampas P50 million. Hindi ito pag-aaralan at hihimayin sa mga unibersidad bilang halimbawa ng isang mahusay na pelikula. Puwede kang makabola sa festival, pero, ika nga ni Andres Bonifacio, hindi mo puwedeng takasan ang hatol ng kasaysayan. Hindi rin naman kumita ang Kisapmata ni Mike de Leon, pero sino ang nakakaalala sa mga kasabay nito sa 1981 Metro Manila Film Fest: Tropang Bulilit ni Nino Mulach (Ito malamang ang My Little Bossings nung panahong yun), Babae sa Ulog (starring Jean Saburit), Init o Lamig (Dindo Fernando, Gina Alajar), Kamlon ni Ramon Revilla?

Bossing, ayaw mo bang maging Chaplin? Na hindi lang nagpatawa kundi tumalakay din sa human condition at nagkaroon ng komentaryo sa lipunan (The Dictator, Modern Times)?

Alam kong hindi madaling gumawa ng pelikula. At mas accurate: alam kong hindi madaling magproduce. At ikaw mismo bilang producer na nagpapatakbo ng isang kumpanya, isanlibo’t isa ang mga konsiderasyon. Naiintindihan ko na negosyo pa rin ’yan. At hindi lingid sa akin ang maraming hamon sa bawat proyekto (’Yan minsan ang hindi naiintindihan ng ilang kritiko—porke’t walang slum area at handheld camera at Joel Torre o Ronnie Lazaro sa pelikula, basura sa kanila).

Tingin ko naman ay puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong pamilya—na hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento. Ang tagal mo nang kumikita, bossing. Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan. Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya.

Marami kang batang pinasaya at patuloy na napasaya—at isa na ako doon. Tutal Pasko naman, di ba, Bossing? (Christmas season parin hanggang Three Kings.) If Christmas is for children, isip bata pa rin naman ako. Sige na.

Your fan,
Lourd de Veyra

NOTE: This blog post is the property of Lourd de Veyra, SPOT.ph, and Summit Media. Publishing or reposting it in any other venue without the express permission of the author, editor, and publishers is a copyright infringement.

courtesy by SPOT.ph


MEGA MAGAZINE JANUARY 2014: MEGAN YOUNG

Written By Unknown on Saturday, January 4, 2014 | 12:12 PM

MEGA MAGAZINE JANUARY 2014: MEGAN YOUNG

cover-2014-jan-mega
  • Photography: JC Cerilla
  • Art Director: Kit Singson
  • Creative Director:
  • Stylist: Patrick Galang
  • Assistant Stylist: Jef Fronda
  • Hair: John Valle
  • Make-Up: Albert Kurniawan
  • Sittings Editors: Sarah Santiago
  • Shot on Location: Sofitel
There is nothing greater than beauty that goes beyond the physical and encapsulates a woman’s entire being. As the time worn saying goes, true beauty is one that comes from within, one with a purpose. This year we are taking charge – in all aspects. Heralding beauty with a purpose and taking charge is none other than Miss World 2013 herself, Megan Young. In this issue we peel away the many layers of her endearing personality, revealing a true woman of the world.
Fashion is undaunted in 2014 as we present another side of industry stalwarts. In the guise of reinvention, they show us that there is something to gain from exploring new fashion frontiers. Accompanying this is our bi-annual Best In Show from the recently concluded Philippine Fashion Week S/S ’14. Rounding up the stories is a revelation in the luxurious gold.
Exude romance and grace in the season’s floral scents. From saccharine notes to a fuller and well-rounded scent experience, we give you the top scents you should have in the year that has come upon us. From a feminine flair, make a boyish turn where mannish appeal is the de rigueur in the world of beauty.
Speaking of domination, we list down ways how you, the woman, can dominate in 2014. It isn’t as complicated or daunting as you think. And on a more serious note, we expose the ugly truth in the way typhoon Yolanda was handled by the media. You will want to read this.
Beauty is far more than a pretty, symmetrical face. It is a summation of experiences and an underlying strength that will take charge in the new year. You are that strong, beautiful woman. Now go ahead, live that purpose.

MEGA MAN JANUARY 2014: JC DE VERA

cover-2014-jan-man

  • Photography: Dookie Ducay
  • Art Director: Kit Singson
  • Creative Director:
  • Stylist: Rain Dagala
  • Assistant Stylist:
  • Hair:
  • Make-Up: Peps Silvestre
  • Sittings Editors: Text by Angelo Ramirez de Cartagena
  • Shot on Location:
Prepare for a reinforced takeover in the male department as MEGA Man greets the year with none other than heartthrob JC De Vera. Clad in a white sleeveless button-down top, he is pumped and ready to be the major artist he envisions to be. This is the re-emergence of JC De Vera. Trust us, he is going to take on atmospheric heights this year.
This year we want you to be the best version of yourself. Starting things off is a skin-tervention. Yes, a skin-tervention is in order. We run down the six grooming products you should have in your arsenal this year round.
MEGA Man takes on bolder fashion this year. We herald a no fear style year with whites, prints, nautical and a utilitarian sensibility. We also have our menswear trend report from Philippine Fashion Week S/S ’14 featuring the designers you should know by now.
Finally, we say hello to David Gandy. As the new face of SM Men’s Fashion, he has captured the hearts of the local style scene. Needless to say, we were charmed.
Shift things into high gear in 2014. Break away from the safe lane and kick things into life in a full throttle year. Are you ready?

EDWARD MENDEZ, ENRIQUE GIL, ALDEN RICHARDS and DEREK RAMSAY STRIPPED FOR BELO MEDICAL CALENDAR 2014


Model, actor, fitness & nutrition expert and budding author Edward Mendez teases us of what he's got in Belo Medical Calendar for 2014.  I hope Ai-ai de las Alas will not be distracted again by this pose.  In his Instagram account, Edward showed in a video on how did he get his drool-worthy body.


Edward Mendez was born in the Philippines and raised in Maryland, USA where he studied and accrued most of his knowledge and wisdom in precision training and optimum nutrition. His broad and deep understanding of sports science and medicine ignited the passion in him to help people achieve their best physique. He discovered a way to leverage the mission of that passion through his book titled, “Your Dream Body Come True”. 


Other hunks featured in the calendar include Enrique Gil, Alden Richards, Tom Rodriguez, Matteo Guidicelli and Derek Ramsay


Hottest hunk of Belo Calendar 2014


The hottest guy of Belo Calendar 2014. Fitness expert Edward Mendez, Kapuso actor Alden Richards, Kaptid actor Derek Ramsay and Kapamilya hunk actor Mateo Guidicelli. Who's your favorite hunk actor in Belo Med Calendar 2014.







 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. YTV Upright News - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger