Kasama ni Juday ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo at network executives na sina Lauren Dyogi, Cory Vidanes, at Charo Santos Concio.
CONGRATULATIONS!
Full Article
Ganap na ngang tinuldukan ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang bali-balitang paglipat niya sa ibang network matapos niyang tangapin muli ang offer ng kanyang mother network na ABS-CBN. Kanina ngang tanghali ganap na ngang pumirma ng exclusive contract si Juday sa Kapamilya Network.
Matatandaang una nang pinabulaan ni Juday na hindi talaga siya lilipat ng Network matapos kumalat ang balitang may nakatakdang pag-uusap ang kampo ni Juday ukol sa offer ng ibang network. Nagsimula ang balitang ito matapos tigbakin sa ere ng maaga ang kanyang teleserye sa ABS-CBN na 'Huwag kang Mawawala' nito lamang nakaraang buwan. Ngunit kung ating matatandaan desisyon mismo ng Aktres na sadyang tapusin ng maaga ang nasabing ng teleserye.
At ngayon matutuldukan na ang mga tsismis na kumakalat matapos ang kanyang pagpirma ng kontrata. Kasama ni Juday sa nasabing contract signing ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo at network executives na sina Lauren Dyogi, Cory Vidanes, at Charo Santos Concio.
Kaugnay sa kanyang pinirmahang kontrata, nakatakda siyang maging host ng upcoming game show ng network na Bet On Your Baby. At bukod rito nakatakda naman gumawa muli si Juday ng bagong teleserye at isang reality show sa Kapamilya Network sa susunod na taon. Maaaring pagkatapos ito ng reality show na Bet On Your Baby.
Photo credit to abscbnonline Official Instagram Account
Written by Admin Yale [ Philippine Current Gossip ]
Post a Comment