Ngunit sa ilang taon na paglalabas ng mga ratings ng nasabing dalawang pangunahing television audience measurement providers ng bansa mapa-urban o rural areas man ukol sa lahat ng mga programa na ipinapalabas ng mga nasabing mga pangunahing TV Networks ng bansa, ay mapapansin nitong mga nakaraang araw ang mga ratings mula sa Kantar at AGB Nielsen ay pawang ang nangunguna ay ang mga kasalukuyang programa ng ABS-CBN Channel 2.
Kung ating babalikan nitong nakaraang mga taon sa pagbibigay ng mga ratings, hindi nagkakapareho ang dalawang providers ukol sa kung anong mga programa ang nangunguna sa kani-kanilang ratings. Sapagkat kung ating pagsusumahin ang Kantar Media ay nagtatala ng ratings na kung saan ang mga programa mula sa ABS-CBN Channel 2 ang siyang nangunguna sa buong bansa ngunit sa AGB Nielsen ay nakapagtatala naman ng ratings na kung saan ang mga programa mula sa network ng GMA 7 ang siyang nangunguna sa talaan.
Ngunit nito lamang mga nakaraang araw aking napagtanto o sadyang napansin ang inilalabas na ratings ng Kantar at AGB Nielsen ay mukhang nagkakasundo sapagkat pawang ang mga programa na mula sa ABS-CBN Channel 2 ang siyang nangunguna sa kani-kanilang listahan na inilalabas araw-araw, hindi man pareho sa mga figures or percent ng bawat programa ay halos pareho naman mga show ang nangunguna. Katulad na lamang sa mga teleserye na Juan Dela Cruz at Got To Believe na pawang hinihahandog ng ABS-CBN ang siyang nangunguna sa listahan ng Kantar at AGB Nielsen, eto man ay nasa parehong slot o minsan ito ay nasa magkaibang slot ngunit pasok sa TOP 5 na pangunahing programa; at paminsan-minsan ang programang TV Patrol 25 ang paminsang napapasama sa listahan; at gayun rin ang day-time serye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.
Narito ang iba sa mga nailabas na ratings ng Kantar Media at AGB Nielsen:
Pansinin ang Top 5 program sa dalawang provider, hindi man sakto sa rating percent halos nagkakatugma naman sa mga program na nangunguna. Maaring hindi nasa parehong pwesto ang mga nangungunang program ngunit hindi nagkakalayo ang bawat isa. Maaaring na unang pwest ang isang program sa AGB pero nasa pangalawa o pasok sa limang nakakuha ng matataas na ratings sa Kantar.
AUGUST 26, 2013 MONDAY
August 27, 2013
August 28, 2013
August 29, 2013
August 30, 2013
AUGUST 31, 2013
Ang artikulong ito ay sadyang naaayon lamang sa mga datus na inilabas ng Agb Nielsen Philippines (TV Ratings) at ng Kantar Media Philippines, na pawang mga pangunahing audience measurement providers ng bansa sa larangan ng mga programa ng mga TV Networks.
Sa huli tao pa rin ang magpapasya kung aling audience measurement providers ang siyang mas kapani-paniwala?
Post a Comment