Home » » Kristine Hermosa at Judy Ann Santos, 2 sa mga pinakamalalaking artista ng ABS-CBN, are still Kapamilya.

Kristine Hermosa at Judy Ann Santos, 2 sa mga pinakamalalaking artista ng ABS-CBN, are still Kapamilya.

Written By Unknown on Wednesday, September 11, 2013 | 2:00 PM

Katunayan nga niyan may upcoming show nanaman si Juday sa nasabing network. Mismong siya ang nagkumpirma sa kanyang twitter Account, nang may isang TFC fan ang nagtweet sa kanyang kung kailan ulit siya makikita on TV. Ang agad naman sinagot ng Aktres ang fan ayun sa kanya "SOON ". Matatandaang may bali-balita na may offer ang ibang network sa kanya ngunit isa nga kumpirmasyon na wala talagang ibang network offer kay Juday bukod sa New show offer ng ABS-CBN.



Samantala, nakatakda namang pumirma ngayong araw si Juday ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network. At siya'y nakatakdang maging host ng upcoming reality show ang "Bet On Your Baby" at teleserye para sa susunod na taon.

Gayunpaman, wala pang final na kumpirmasyon ukol naman kay Kristine sa kanyang mga upcoming show ngunit sinigurado ng Aktres na mananatili siyang Kapamilya. Matatandaan, una na niya inayawan ang remake ng dating niyang seryeng "Pangako Sa'Yo" with Jerico Rosales. Sapagkat, ayun sa Aktres at sa kanyang asawa "tama na yung seryeng iyon, ang nais nila ay kung ano ang naiwang impact sa mga manunuod ay mananatili na lang na ganuon." Mula dito, wala pang anumang serye ang tinatanggap ni Kristine sa Kapamilya.

Kaya paka-abangan ang iba pang balita ukol sa dalawang aktres na ito sa mga darating na araw.

Written by Admin Yale
Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. YTV Upright News - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger