May bago na namang kakikiligan at aabangan
ang mga Kapuso viewers sa kanilang mga telebisyon dahil ganap ng isang
Kapuso ang kapatid ni "Kuya"!
Isang malaking exposure para kay Kenneth Paul Cruz ang TVC ng isang sikat na fastfood chain na kung saan ay gumanap siyang kapatid ng isang may down syndrome.
Halos limang araw na ang nakalilipas mula ng pumirma ng kontrata under
ng GMA Artist Center itong si Kenneth Paul. Sana'y magtuloy-tuloy ang
career ni Kenneth Paul dahil may potensyal naman s'ya sa pag-aartista.
Written by Admin DJ Renj
Post a Comment