Ngayong araw lamang ay pumirma na ng 3-years
exclusive contract under GMA Network itong si Tom Rodriguez na gumaganap
bilang Vincent sa My Husband's Lover.
Masaya si Tom sa nangyayari sa kanyang career
ngayon. Dahil sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng GMA. Isang
malaking karangalan pa nga raw ang bigyan siya ng proyekto as a newcomer
at sa primetime slot pa inilagay ang kanyang programa.
Hindi
rin makapaniwala si Tom na may thanksgiving concert ang MHL (One More
Try: The My Husband’s Lover Concert), na kung saan ay gaganapin sa Smart
Araneta Coliseum on October 12.
Sunod-sunod din ang nagiging
proyekto nitong huli na may ginagawang album with Dennis Trillo. At may
upcoming movie pa sila ni Carla Abellana na may title na "Let's Take A
Chance" na isang romantic-comedy ang tagpo.
Written by: Admin DJ Renj
Post a Comment