Ako niya'y natakot na akala ko ito ay isang SPAM o siguro link na naglalaman ng VIRUS. Syempre nagdalawang isip ako bago ko binuksan ito pero nang ito nga ay nabuksan hindi naman pala. Pero syempre naisip ko rin marahil when I signed up dito papasok ung virus BUT nagkamali ako isa naman palang safe na site ito. Gumawa ako ng another na email ko para ma-try itong bagong site na ito kong gumagana. Pagkatapos SUCCESSFUL naman akong nakapagregister dito at tila biglang bigla ako sa aking nakita talagang GAYANG-GAYA talaga ang facebook. May LIKE button, may SHARE at iba pa. Ang pagkakaiba lang BROWN ang kulay niya at BIZFRIEND ang pangalan nito.
Ayon sa site nila ang "Bizfriend - An International Social Networking , Dating , Friendship Site for Free. Create Friends with the Top Social Networking site"
Ayus talaga ang PINOY kahit ano kayang-kayang gawin. Pati Facebook ginawan na rin ng PHILIPPINE VERSION.
Pero kung ako tatanungin okay naman siya. Mukha lang naman talaga na nagfafacebook. Walang pagkakaiba. May kunting features na merun ang Bizfriend na wala ang Facebook.
Post a Comment